Thursday, April 06, 2006

Lirio

The man has been watching me for some time now. I was at the mall, with my friends, enjoying our Sunday free time. We decided to splurge our hard-earned cash to eat at one of the more pricey food chains. Our eyes met when iginala ko ang aking paningin around the establishment. I caught my breath. He gave me an intense look and I felt with that brief glance that my life changed forever. I glanced at his woman companion. She was fashionably dressed and had her back turned towards me. I need not look at her face to know that she would be beautiful. For that kind of man, she would be.
I tried to keep my mind off him and concentrate on the matter at hand. It was about Robby.
Ang akala ko, pag boyfriend ka na, masaya na ang buhay mo. Nakita ko kung paano pinasaya ni Rico ang buhay ni Lydia. Why do I have this feeling of emptiness kung kasama ko si Robby? Maalalahanin naman siya. Loyal. At sincere din naman. Palagi pa nga akong sinusundo sa eskwela. Paglabas ko sa gate, andun na siya at naghihintay. Ano ba ang kulang sa relasyon naming dalawa?
Ipinasa ko ang tanong na yun sa mga kaibigan ko sa night school. Linggo yun at dahil pinayagan naman ako ng Tiya, namasyal kami sa Mall. Papauwi na kami nang naisipan kong itanong yun sa kanila.
“Siguro wala kayong chemistry.” Offer ni Dorothy.
“Wala nga naman talaga silang Chemistry, ano. Di nga sila classmate e.” Sabad ni Lani.
“Posible nga. Mahirap kasi ang subject na yun”
Wala lang talaga akong ma feel na kakaiba pag kasama ko siya. Di ba sa movies, pag akmang halikan ng leading man yung leading lady, pipikit yung babae at parang kinikilig? Ba’t hindi ko na feel yun kay Robby? Umiling ako. Ano ba ang kulang kay Robby?
“Hay naku Lirio. Hindi na uso ang pag-ibig. Ang kailangan ngayon, praktikal ka. Di ba girls?”
“ang importante ang tiyan, hindi ang puso.”
“Oo nga. Isa pa pag ikinasal kayo, ikaw naman ang tatabi dun sa tao.” At nagkatawanan sila.
“Ayun, lumabas din ang totoo. Maki pag break na lang kaya ako sa kanya?”
“At ano, wala na ang libreng snacks at pamasahe namin?” biro ni Lydia. “ikaw na lang mag sacrifice para sa amin.”
Napasulyap naman ako uli sa kay mr stranger. Nahuli nito uli ang sulyap ko. Conscious ako na napatungo. Sanay na akong tinitingnan ng mga lalaki but ewan ko, iba yata ang na feel ko everytime na tinititigan niya ako. Na para bang tinitingnan niya pati kaloob-looban ko.
“Lirio!”
“Ha?”
“Kanina pa nakatingin sa ‘yo yung mama.”
“Saan?” Kunwari hindi ko napansin.
Ininguso ni Lani ang kinaroroonan ni Mr. Stranger. Lumingon lahat at nagkasalubongan ng tingin. Everyone giggled.